Nabua Forum
Welcome, Guest
Please Login or Register.
Lost Password?
Advertisement
_GEN_GOTOBOTTOM Post Reply Favoured: 0
TOPIC: jowk taym!
#2560
harvz (User)
Junior
Posts: 7
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
jowk taym! 2010/02/08 17:23  
BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common
denominator daw.
DAD: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah!
Aba'y di pa ba nila nakikita hanggang ngayon?

-------------------------

BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro
mali ! Lagi nalang ako mali !!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: See! Mali na naman ako!!!

--------------------

Usapan ng mag-ama?
Ama: Ngayong tapos ka na ng high school, ano ang
kukunin mo sa kolehiyo?
Anak: Law po.
Ama: Ano?! Tapos ka na ng HIGH, babalik ka pa sa LOW?!

--------------------

Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba
talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!

--------------------

Anak: Inay, ano po ang ibig sabihin ng RIP sa nitso?
Nanay: Duh! Anak naman… ‘Return If possible.’ Utak anak, Utak.

-------------------

Boy: Nay may ulam ba?
Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.
Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?
Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense
naman dyan!

----------------------

Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!

----------------------------

Nanay calls his son:

Nanay: asan ka na anak?

Anak: nasa ospital ako

Nanay: anoooh!? ano nangyare sayo anak? sabe ko nman magiingat ka palage, pano na mga kapatid mo? umaasa kame sa iyo, wag mo kame iiwan anak!!!!

Anak: naaaaay,,,, nurse ako, duty ko ngayon.

-------------------

Radio Announcer: Lolo, mananawagan po ba kayo

Lolo: Opo.

Radio Announcer: Ilang taon na po ba kayo?

Lolo: 98 na po.

Radio Announcer: Wow! Ang tanda nyo na pala! Sige po lolo, manawagan na po kayo.

Lolo: Kuya, umuwi ka na, di na galit si daddy sa yo

-----------------------

mag-ina nakasakay sa taxi

Anak: inay! ayun na ang "SN", punta tayo sa "SN"...

Nanay: anak! hindi "SN"... "ShoeNart".

-----------------------------------

Anak: Tays! Kains na tayos!!!

Tatay: Gago!!! Tigilan mo ang kakalagay ng “s” sa salita mo!!! Ano ba ulam?

Anak: inigang na bangu na may ibuya at kamati… hmmmm… arap ng abaw!!!
--------------------------

Anak: nay anong ulam?

Nanay : baka

Anak: baka wow!

Nanay : baka wala

------------------------

Junior: Nay, bibili ako ng HIGH CAKE.

Nanay: Hindi high cake, anak. HOT CAKE yun.

Junior: Ok nay, watever. Pahingi nalang ng barya.

Nanay: Sige, kumuha ka nalang dyan sa SOLDIER BAG ko.

-----------------------------

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US Ito, nagpadala ng picture, nakasandal
sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.

Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

-------------------------

Apo: Lola pupunta lang kami sa tipar!!!

Lola: Ano bang tipar ang pinagsasabi nyo?

Apo: Tipar is Party

Lola: Puro salitang kanto ang alam nyo…mga PAKINSHET kayo!!!!

----------------------------
  The administrator has disabled public write access.
_GEN_GOTOTOP Post Reply
Powered by FireBoardget the latest posts directly to your desktop