Nabua Forum
Welcome, Guest
Please Login or Register.
Lost Password?

Home
Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet (1 viewing)
_GEN_GOTOBOTTOM Post Reply Favoured: 0
TOPIC: Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet
#2165
manuy (User)
Senior
Posts: 10
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Dakilang Nilalang by Jake Macasaet 2009/09/07 20:24  
Ka Erdy, dakilang nilalang
ni Jake Macasaet Abante Tonite



Marami ang paraan ng pana­nampalataya sa Dakilang Ama. Kaya marami rin ang relihiyon. Para sa akin tamang lahat ang iba’t ibang paraan kung ang sinasamba at kinikilalang Panginoon ay iisa, ang Diyos Ama.


Ang Iglesia Ni Cristo na pinundar ni Felix Manalo, ama ng yumaong Ka Erdy, ay naiiba sa lahat ng relihiyon o sekta.


Unang katangian ng INC ay ang pagkakaisa ng mga miyembro nito. Kahit sa botohan sa halalan, si Ka Erdy lamang ang pumipili. Siya ang nasusunod.


Ikalawa at para sa akin ay pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkilala ng mga miyembro ng INC sa kadakilaan ng trabaho o hanap-buhay.


Bawal sa kanila ang sumama sa union ng isang kumpanya. Dinadakila nila ang araw ng pananalangin na tinatawag nila pagsamba. Ang trabaho o hanapbuhay ay pangalawang relihiyon ng Iglesia ni Cristo.


Kaya naman ang hinahanap ng mga may-ari ng malalaking kumpanya na nangangailang ng maraming tao ay mga miyembro ng INC. Hindi sila gumagawa ng gulo dahil nga sa kanilang paniniwala, sa aking pagkaalam, ay maka-Diyos ay pagtatrabaho ng buong sipag at katapatan.


‘Di tulad ng mga pinuno ng Simbahang Katoliko, hindi malimit magsalita sa publiko si Ka Erdy. Bilang Executive Mi­nister ng Iglesia ni Cristo, sinusunod siya ng lahat ng mga mi­yembro niya dahil sa maraming halimbawa na ipinapakita niya sa kapwa Iglesia.


Para sa kanya ang pananalangin sa Dakilang Ama ay ipinapakita sa maraming paraan ng mabuting gawa. Hindi sa sa­lita. Iyan ang isang dahilan kung bakit gan’un na lang katindi ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.


Isa sa palatandaan ng pagkakaisa nila ay ang kanilang simbahan. Lahat ng simbahan nila ang magkakamukha. Iisa ang disenyo. ‘Di tulad ng mga simbahan ng mga Katoliko. Iba-iba ang pagkayari. Ito ay pagpapakita sa lahat ng Katoliko na wala silang pagkakaisa.


Isa pang patunay sa pagkakaisa ng mga Iglesia ni Cristo ay ang pagkalungkot nila sa pagkamatay ni Ka Erdy. Marami ang lumuha. Aabot sa milyong ang bilang ng dumalaw sa kanyang lamay. Buhat sila sa lahat ng bahagi ng bansa. Kahit naghihirap ay pinilit nilang makaluwas sa Maynila para makiramay at ipakita ang pagtangis sa pagkamatay ni Ka Erdy.


Kaya naman bilang paggalang sa kadakilaan ni Ka Erdy at pakikiramay sa kanyang pagkamatay, idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na non-working holiday ang araw ng kanyang libing kahapon, araw ng Lunes.


Nagpakilala rin si Lucio Tan sa kadakilaan ni Ka Erdy. Ini­utos niya na bigyan ng malaking diskwento sa tiket ng PAL ang mga INC na makikipaglibing kay Ka Erdy.


Bilang patunay sa sinasabi kong ito, walang matatawag na Catholic vote sa Pilipinas bagaman halos 90 porsyento ng lahat ng Pilipino ay Katoliko ang relihiyon. Ito ay palatandaan ng di pagkakaisa ng mga Katoliko.


Hindi naman ang ibig sabihin nito ay lahat ng INC ay halos santong maituturing. Meron din silang naliligaw ng landas. May ahas sa lahat ng gubat. Pero mas maraming ahas sa mga Katoliko di lamang dahil sa sila ang nakararami.
  The administrator has disabled public write access.
#2166
sinanglay (User)
Expert
Posts: 22
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet 2009/09/08 06:47  
tauno raw an ta puro pag batikos sa mga romano katoliko.....?

uno ika ta arog kan manuy?

Masyado ka naman......

walang relihiyon o grupong pweding makapag ligtas sa tao....

Mag basa ka nga ng biblia.......
  The administrator has disabled public write access.
#2167
manuy (User)
Senior
Posts: 10
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet 2009/09/08 06:54  
Buko man po ako kan nag surat kinopya ko sana man sa usad na dyaryo sa pinas ni Jake Macasaet usad na katoliko.SIGURO PO SINANGLAY NAIINTINDIYAN MO BINASA MO BUKO AKO KAN NAG SABI USAD NA MEYEMBRO NINYO

Post edited by: manuy, at: 2009/09/08 06:59
  The administrator has disabled public write access.
#2168
manuy (User)
Senior
Posts: 10
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet 2009/09/08 06:56  
AMO PO BAGA YAN OBSERBASYON NIYA

Post edited by: manuy, at: 2009/09/09 09:55

Post edited by: manuy, at: 2009/09/09 09:56
  The administrator has disabled public write access.
#2169
sinanglay (User)
Expert
Posts: 22
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:Dakilang Nilalang by Jake Macasaet 2009/09/08 07:37  
ai amu tabi....? sorry man po....

Mabuhay po ika manuy.....

God Bless you!!!

  The administrator has disabled public write access.
_GEN_GOTOTOP Post Reply
Powered by FireBoardget the latest posts directly to your desktop